Home of the Jungle Fighters



Official Jungle Fighter Press Release


Date Released: 26 May 2011

KATUTUBONG MANGYAN KARUMAL-DUMAL NA PINASLANG NG NPA

     Bulalacao, Oriental Mindoro - Isang katutubong Mangyan (Tribung Hanunuo) ang karumal-dumal at walang awang pinaslang ng mga teroristang New People's Army noong ika-25 ng Mayo 2011 ganap na humigit kumulang alas 3:00 ng madaling araw sa kanilang tahanan sa Sitio Bailan, Brgy Benli ng nabanggit na bayan.

     Naganap ang pamamaslang sa pamamagitan ng sapilitang pagpasok sa bahay at pagbaril ng biktima sa likuran habang pinadapa ito sa lupa. Si Mr. Santos ay naka-off duty at namamahinga noong ika-25 ng Mayo ganap na humigit kumulang alas 3:00 ng madaling araw noong nagyari ang krimen. Ayon sa resulta ng naunang imbetigasyon ng kapulisan at autopsy ng medico-legal, napag alamang tinalian ang mga paa ng biktima bago ito binaril ng dalawang beses sa likurang bahagi ng katawan gamit ang mataas na kalibreng M14, na siyang dahilan ng kanyang agarang pagkamatay. Nang maisakatuparan ang nasabing pagpaslang, ang mga salarin ay dagliang nilisan ang lugar.

     Habang patuloy ang pagnanasa ng mga Mindoreño na makamit ang kapayapaan at kaunlaran, kaagapay ang inyong mga kasundaluhan at kapulisan na tumutugon sa kanilang tungkulin na protektahan ang ating kumunidad partikular ang karapatan at interes ng mga katutubo, patuloy naman ang karahasang pinapalaganap ng mga teroristang New People's Army.

     Base sa nakalap na impormasyon, humigit kumulang anim ang sapilitang pumasok sa bahay ng biktima na may dalang matataas na kalibreng baril, M16 at M14 na nagpakilalang miyembro ng grupong "'Lucio de Guzman" o teroristang NPA. Ang lugar ng pinangyarihan ng krimen ay isang komunidad ng mga katutubong Mangyan na lantarang tumututol sa presensiya ng mga teroristang NPA at sa mga mapanlinlang na layunin nito.

     Dahil sa karumal-dumal na pagpatay ng mga terorista sa walang kalaban-labang katutubong Mangyan, masidhing kinundena ng buong komunidad ng Bulalacao ang mga teroristang NPA na walang ginawa kundi gambalain at sirain ang buhay ng simpleng mamamayan..

     Ang labi ng biktima ay kasalukuyang nakahimlay na sa kanilang tahanan. Samantala, ang buong kopunan ng 4th Infantry (Scorpion) Battalion ng Hukbong Katihan ng Pilipinas ay taos pusong nakikiramay sa buong pamilya ni CAA Balik G Santos ng Barangay Benli, Bulalacao, Oriental Mindoro.

     Sa kasalukuyan, ang lokal na pamahalaan ng Bulalacao, Oriental Mindoro sa pamumuno ng ating butihing MAYOR ERNILO C VILLAS, kasama ang mga mamamayan, ang inyong kasundaluhan at kapulisan ay nagkakaisang tinutugis ang mga teroristang NPA upang mabigyan ng hustisya and ating kapatid na katutubong Mangyan.

     Upang higit na mapaigting ang ating kampanya laban sa mga masasamang elemento at mapanatili ang ating seguridad, ang inyong mga pulis, kasundaluhang 4IB sa ilalim ng pangangalaga ng 203rd Brigade ay patuloy na nananawagan sa lahat na mamamayan na tumulong sugpuin ang mga masasamang elemento ng lipunan. Maaari po kayong mag-text o tumawag sa numerong ito: 0999-725-7516 (smart). Katahimikan at kaunlaran ng Mindoro ang ating hangad. Ipagtanggol natin ang Mindoro. Magkaisa tayo.





© 2011 2id-webmastersteam
Contact Us at: Tel# 845-9555 or local # 6516/6517