09 Oct 2008 - Army pinaigting ang usapin sa pagresolba ng military reservation...more

06 Oct 2008 - Bayanihan: Sagot ng Army sa Insurhensiya...more

06 Oct 2008 - 3 soldiers wounded in landmine attack...more

06 Oct 2008 - 2 NPA terrorists killed; 4 others wounded in Aurora clash...more

03 Oct 2008 - Army troops thwart landmine attack in Cotabato...more

02 Oct 2008 - Army to give a good fight at the 2008 ASEAN Armies Rifle Meet...more

02 Oct 2008 -  NPA rebels burn logging equipment in Davao...more

30 Sep 2008 - Army denounces MILF atrocities...more

29 Sep 2008 - Troops recover firearms in Capiz encounter...more

 

 

Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos

Official Philippine Army Press Release

 

Date Released: 09 Oct  2008


Army pinaigting ang usapin sa pagresolba ng military reservation


Puspusang pinapaigting ng 7th Infantry Division ng Philippine Army sa pamumuno ni MGen. Ralph A Villanueva ang pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at mga mamamayang kasalukuyang naninirahan sa loob ng military reservation ng Fort Magsaysay, Nueva Ecija upang mabigyang linaw at solusyon ang usapin hinggil dito.

Sa kasalukuyan, patuloy na isinasagawa ng 7th Infantry Division ang pakikipag-usap sa mga mamamayan kasama ang ahensiya ng pamahalaan na siyang may direktang kinalaman sa military reservation upang maipaliwanag sa mga mamamayan ang kanilang estado patungkol sa usapin sa military reservation.

Noong taong 1991, ipinagkaloob ng Department of National Defense ang kabuuang 3,100 ektarya ng lupaing sakop ng military reservation sa Pinatubo Komisyon na siyang ipinamimigay sa mga katutubong biktima ng bulkang Pinatubo at kwalipikadong mamamayan. Subalit umabot lamang sa 1,300 ektarya ang kubuuang lugar na natirhan ng mga katutubo kung kaya't noong taong 1997, ibinalik nila ang hindi nagamit na 1,800 ektarya at ito ay kasalukuyang napapaloob sa military reservation.

Ito ay taliwas sa nakasaad sa isang polyetong ipinakalat ng isang samahan na kung tawagin ay "Almana 3100" na may petsang Setyembre 2008 na naglalaman ng mga maling paratang tulad pagsasagawa ng mga kinatawan ng kampo ng tangkang pagpapalayas sa mga magsasaka sa loob ng Fort Magsaysay, pandarahas, paananakot at panlilinlang ng mga kinatawan ng kampo, panununog sa mga kubo at pananim, at walang habas na pamamaril upang sila ay itaboy sa kanilang lupaing binubungkal.

"Ang mga paratang na ito ng "Almana 3100" ay pawang kasinungalingan at ito ay naglalayong magtanim ng galit at poot sa mga mamamayan upang himukin ang mga taong kasalukuyang nakatira at nagsasaka sa sakop ng military reservation upang mag-alsa laban sa pamahalaan," ani ng tagapagsalita ng 7th ID na si Maj Charlemagne F. Batayola Jr.

"Ang ganitong mga gawain ay gawa lamang ng mga taong nagnanais na manira na kanilang sinasakyan ang ganitong isyu upang linlangin at kunin ang simpatiya ng mga mammamayan para sa kanilang pansariling interes. Kailanman, hindi magtatagumpay ang "Almana 3100" sa kanilang layuning paninira at panlilinlang. Nais ipaunawa ng pamunuan ng 7th Infantry Division na ginagamit lamang ang isyung ito ng mga kalaban upang sirain at dungisan ang integridad ng pamunuan ng 7ID," dagdag pa nito.

Ang pamunuan ng Philippine Army, particular ng 7th Infantry Division ay nananawagan sa lahat ng mga mamamayang nasasakupan ng military reservation na magkaisa, magtulungan at dumulog sa tamang kinauukulan upang maresolba ang usapin tungkol sa military reservation. Mag-ingat ang bawat isa sa mga mapaglinlang na gumagamit ng maling pamamaraan na ang tanging biktima ay mga mamamayan. #


   

 

 
Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos

Copyright 2007. Philippine Army
Published by: Army Management Information Center