09 Oct 2008 - Army pinaigting ang usapin sa pagresolba ng military reservation...more

06 Oct 2008 - Bayanihan: Sagot ng Army sa Insurhensiya...more

06 Oct 2008 - 3 soldiers wounded in landmine attack...more

06 Oct 2008 - 2 NPA terrorists killed; 4 others wounded in Aurora clash...more

03 Oct 2008 - Army troops thwart landmine attack in Cotabato...more

02 Oct 2008 - Army to give a good fight at the 2008 ASEAN Armies Rifle Meet...more

02 Oct 2008 -  NPA rebels burn logging equipment in Davao...more

30 Sep 2008 - Army denounces MILF atrocities...more

29 Sep 2008 - Troops recover firearms in Capiz encounter...more

 

 

Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos

Official Philippine Army Press Release

 

Date Released: 06 Oct  2008


Bayanihan: Sagot ng Army sa Insurhensiya


KAMPO O'Donnell, Capas, Tarlac - Ang salitang 'bayanihan' ay isa sa mga natatanging tradisyon ng mga Pilipino kung saan nagtutulungan ang isang pamayanan na buhatin ang tahanan ng isang pamilya na lilipat sa ibang lugar. Ang "bayanihan" ay maihahantulad din sa pagkakaisa at tulung-tulong na pagkilos ng mamamayan sa paglutas ng pambansang suliranin.

Alinsunod sa layunin ng ating pamahalaan na wakasan ang insurhensiya sa ating bansa sa taong 2010, nabuo ng Light Armor Division ng Philippine Army ang konsepto ng "Bayanihan" upang maiparating sa mamamayan na ang ating pamahalaan ay tapat sa paghahangad ng pang-matagalang kapayapaan at kaunlaran upang sila’y hindi malinlang ng mga huwad na pangako ng mga makakaliwang grupo.

Nakapaloob sa nasabing konsepto ang mga sumusunod: paghahatid ng libreng serbisyong medikal at dental, libreng gamot sa tulong ng mga ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan at mga Laang Kawal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, pagtatatag ng Barangay Defense System para sa kapayapaan, pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa usaping pang kapayapaan at pagpapanatili ng kaunlaran at paghimok sa mga naliligaw ng landas nating kababayan upang yakapin ang demokrasya. Ito ay pinalalaks ng natatanging pamamaraan sa pakikisalamuha sa mga mamamayan sa pamamagitan Kamay, Ngiti, Bati (KNB) kung saan ito ay naglalarawan ng personal na pakikipagkapwa sa bawat isa.

Matatandaan na ang "Bayanihan" ay may mahigit isang taon ng ipinapatupad ng 3rd Mechanized Infantry Battalion ng Light Arnor Division sa pamumuno ni Lt. Col. Gilbert I. Gapay na siyang pangunahing may akda ng nasabing konsepto. Ito ay unang inilunsad sa bayan ng Capas sa lalawigan ng Tarlac na kung saan sinasabing dito umusbong ang mapaglinlang na idolohiya ng mga makakaliwang grupo. Naging matagumpay ang nasabing bayanihan sa ilalim pa noon ng pamumuno ni Major General Isagani C. Cachuela, dating Punong Heneral ng LAD na ngayon ay Commander na ng Northern Luzon Command.

Ang bayanihan sa Capas ang nagsilbing halimbawa, inspirasyon at masasabing isang malaki at epektibong tagumpay hindi lamang ng Philippine Army maging sa lalawigan ng Tarlac. Matatandaang sa pagtatapos ng "Bayanihan sa Capas" noong ika-20 ng Agosto 2007 ay naanyayahang magsalita ang dating kilalang lider ng CPPA/NPA na si Bernabe Buscayno alias Kumander Dante sampu ng kanyang mga kasamahan na nagbalik loob sa pamahalaan upang magbigay mensahe patungkol sa masamang idinulot ng maling paniniwala sa kanila. Dito pinapurihan ni Kumander Dante ang pamunuan ng Light Armor Division dahil sa kanilang naiiba at makabagong pamamaraan ng pagbibigay tulong sa mamamayan tungo sa pagsugpo ng insurhensiya.

Dahil sa magandang layunin ng "Bayanihan," maraming ahensiya ng pamahalaan ang nagbigay tiwala at tulong para sa lalo pang pagpapalaganap ng nasabing proyekto. Tumulong silang mabigyan ng livelihood program ang mga naghihirap nating mga kababayan gaya ng Mushroom Cultivation at Slipper Making para sa mga pamilyang walang hanap buhay at T-Shirt Printing naman para sa mga kabataang walang kakayahang makapag aral sa kolehiyo. Mayroon ding ilan ang pinalad na makakuha ng trabaho sa ibayong dagat, lahat ay sa tulong ng Public Affairs Service, Armed Forces of the Philippines Reserve Command (AFPRESCOM) sa pamumuno ni Col. Eduardo Lacanienta.

Sa kauna-unahang pagkakataon itinanatag sa lalawigan ng Tarlac ang "Insurgency Free Tarlac Campaign." Dito na ipinapatupad sa buong lalawigan ng Tarlac ang "Bayanihan" na ngayon ay suportado na ng pamahalaan ng Tarlac dahil ang layunin nila ay matapos ang problema sa insurhensiya bago sumapit ang taong 2010. Naglunsad din ng "Bayanihan" sa mga bayan ng Quezon, Licab at Penaranda na matatagpuan sa lalawigan ng Nueva Ecija. Dahil na rin sa paglawak ng nasasakupan ng 3rd Mecahnized Infantry Battalion, inaasahang dadalhin na rin sa Pangasinan ang nasabing "Bayanihan."

Dahil na rin sa maraming papuring tinanggap mula sa ibat-ibang lokal na opisyal ng pamahalaan, ahensiya ng gobyerno at sektor ng lipunan, ipinag-utos ni Major General Samuel D. Narcise, ang bagong Commander ng Light Armor Division na lalo pang palaganapin ang konsepto ng "Bayanihan" hindi lamang dito sa Luzon kundi maging sa Visayas at Mindanao. Pinapurihan din niya ang mga taga-Light Armor sa walang sawa nilang pagganap sa kanilang mga sinumpaang tungkulin para sa pang habang buhay na kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa. #



   

 

 
Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos

Copyright 2007. Philippine Army
Published by: Army Management Information Center