Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos | AARM/ACAMM

16 July 2009 - Frontliners ng Philippine Army hahasain sa mga bagong istratehiya kontra insureksyon...more

13 July 2009 - Panibagong terorismo sa Mindanao napigilan ng Army...more

08 July 2009 -  Hukbong Katihan patuloy ang panalo sa kampanya kontra insurhensiya...more

01 July 2009 - LIDER NG NPA SA WESTERN MINDANAO ARESTADO...more

25 June 2009 - P 1 Milyon maintenance facility igagawad sa Philippine Army...more

25 June 2009 - Memorandum of Agreement para sa Pag-kupkop sa Tower 11 sa La Mesa Nature Reserve Ikinasa Na...more

18 June 2009 - Dalawang araw na human rights seminar itinakda...more

11 June 2009 - Mga Pampasabog Nasamsam ng Philippine Army...more

03 June 2009 -  2 NPA patay sa engkwentro; 2 nagbalik loob sa gobyerno...more

 

 

 

Official Philippine Army Press Release

 

Date Released: 18 June 2009


Dalawang araw na human rights seminar itinakda


Dalawang araw na malaking seminar hinggil sa karapatang pantao ang ilulunsad ng Philippine Army mula sa darating na Hunyo 22 hanggang 23.

Ito'y bilang patunay sa paninindigan ng Philippine Army sa mahigpit na pagrespeto sa prinsipyo ng mga karapatang pantao at hangaring maipaunawa sa lahat ng mga sundalo ang kahalagaan nito.

Kasama sa mga prayoridad ni Army chief Lt Gen Delfin N Bangit ang patuloy na pagpapaliwanag sa mga sundalo sa paggalang sa mga karapatang pantao bilang bahagi ng mandatong tungkuling protektahan ang sambayanang Pilipino.

Ipinagmamalaki ng Philippine Army na dahil sa ibayong pagsisikap ay mas nagiging epektibo ang mga hakbang na isinasagawa upang pangalagaan ang karapatang pantao ng bawat isa. Regular din ang inilulunsad na human rights seminar sa ibat-ibang yunit ng Army sa buong bansa, bukod pa sa kasama rin ito sa mga itinuturo sa mga opisyal na schooling at training ng militar. Isa pang patunay na pinahahalagahan ng Philippine Army ang karapatang pantao ay ang paglunsad ng kauna-unahang human rights book na sinulat ng military sa Asya noong 1999. Ito ay kinilala ng Commission on Human Rights sa pangunguna ng dati nitong pinuno na si Commissioner Aurora N Reciņa.

Maliwanag din sa lahat ng mga sundalo ang kakaharaping parusa sa sino mang lalabag sa karapatang pantao, hindi lamang sa batas ng sibilyan kundi maging sa regulasyon ng militar.
"It is disheartening to soldiers - who put their lives at stake - to be blamed with every disappearance and unexplained killings," diin ni Lt. Gen. Bangit.

"I will make sure that the Philippine Army will live by the principle of human rights every single day. Make no mistake. I will waste no time not only to punish, but to bring justice to members of the Philippine Army who would dare violate human rights. With same fervour, I will also work hard to protect soldiers who would be victims of human rights violations," dagdag ni Bangit. #




 

   

 

Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos | AARM/ACAMM

Copyright 2007. Philippine Army
Published by: Army Management Information Center