Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos | AARM/ACAMM

16 July 2009 - Frontliners ng Philippine Army hahasain sa mga bagong istratehiya kontra insureksyon...more

13 July 2009 - Panibagong terorismo sa Mindanao napigilan ng Army...more

08 July 2009 -  Hukbong Katihan patuloy ang panalo sa kampanya kontra insurhensiya...more

01 July 2009 - LIDER NG NPA SA WESTERN MINDANAO ARESTADO...more

25 June 2009 - P 1 Milyon maintenance facility igagawad sa Philippine Army...more

25 June 2009 - Memorandum of Agreement para sa Pag-kupkop sa Tower 11 sa La Mesa Nature Reserve Ikinasa Na...more

18 June 2009 - Dalawang araw na human rights seminar itinakda...more

11 June 2009 - Mga Pampasabog Nasamsam ng Philippine Army...more

03 June 2009 -  2 NPA patay sa engkwentro; 2 nagbalik loob sa gobyerno...more

 

 

 

Official Philippine Army Press Release

 

Date Released: 25 June 2009


Memorandum of Agreement para sa Pag-kupkop sa Tower 11 sa La Mesa Nature Reserve Ikinasa Na


Bawat isa ay may responsibilidad na protektahan at panatilihin ang kalinangan ng kalikasan.

Bilang bahagi ng paninindigan na garantiyahin ang proteksyon ng La Mesa Watershed, ang Philippine Army, katuwang ang ABS-CBN Foundation, Inc.-Bantay Kalikasan, Department of National Defense at ng Office of the Chief of Staff, AFP ay ganap nang aampunin ang Tower 11 kasunod ng isang seremonyang idaraos sa ika-26 ng Hunyo.

Una nang inilunsad ang Tower 11 noong ika-27 ng Marso 2009 na sinabayan ng pagsasa-aktibo ng Task Force Tower 11.

Isasagawa ang ceremonial signing ng Memorandum of Agreement on the Adoption of Tower 11 sa La Mesa Nature Reserve sa Biyernes sa pangunguna nina Secretary Gilberto C Teodoro Jr., Secretary, National Defense at Ms Regina Paz Lopez, Managing Director, ABS-CBN Foundation Inc, kasama sina General Victor S Ibrado, Chief of Staff, AFP; LtGen Rodrigo F Maclang, Vice Chief of Staff, AFP; LtGen Delfin N Bangit, Commanding General, Philippine Army; Mr Valerie Mendoza, Project Manager, ABS-CBN Foundation at Mr Marlo D Mendoza, ABS-CBN Foundation.

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA), ang Philippine Army bilang adopting entity ay awtorisadong maglunsad ng mga aktibidad tulad ng pagtatanim ng mga puno, maliliit na grupo ng pagbibisikleta sa La Mesa Nature Reserve na siyang bahagi ng promosyon sa naturang lugar at ang isang pangunahing ahensyang nakatutok sa panahon ng proyekto.

Dagdag sa obligasyon ng Philippine Army na pagandahin ang Tower 11 ay ang paglalagay ng lugar para sa rappelling habang pinapanatili ang layuning maging isang lugar-tanawan o view deck ang naturang lugar.

Isa sa seryosong problema ng daigdig ang hindi mapigilang pagkasira ng kalikasan na lalong pinatitindi ng negatibong epekto ng climate change.

Hindi lamang para tiyakin ang seguridad ng Pilipinas ang sentro ng pakikibaka ng Army ngunit higit ding pinagtutuunan ang banta sa Inang kalikasan. #
 

 

   

 

Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos | AARM/ACAMM

Copyright 2007. Philippine Army
Published by: Army Management Information Center