P 1 Milyon maintenance facility igagawad sa Philippine Army
TINATAYANG P1 milyong halaga ng maintenance facility ang nakatakdang
igawad sa Philippine Army sa isang seremonya bukas, ika-26 ng Hunyo, sa
Maintenance Battalion, Logistic Support Group, Army Support Command,
Fort Andres Bonifacio, Metro Manila.
Pangungunahan mismo ni Army Chief Lieutenant General Delfin N Bangit ang
pagtanggap sa 1 1/4 Ton truck Maintenance Facility para sa KM450 Truck
na handog ng Hyundai Corporation/KIA Motors Corporation.
Malaking bagay ang naturang pasilidad sa pagganap ng Philippine Army ng
kanilang misyon para sa taumbayan at isa ring katuparan ng pangakong
ayuda ng Hyundai Corporation at KIA Motors Corporation.
Sa nasabing maintenance facility, matutugunan na nito ang paggarantiya
ng kapabilidad ng mga KM450 truck ng Philippine Army gayundin ang
pagsasanay sa mga opereytor at tauhang magmamando ng mga sasakyan at ang
agarang pagkukumpuni ng mga masisirang trak.
Ang pagkumpleto ng naturang pasilidad ay isa na ring katuparan sa
pagbibigay-prayoridad ni Army Chief LtGen Delfin N Bangit sa malinis na
paggamit ng resources ng institusyon at pagbibigay-diin sa wastong
pangangalaga ng mga pasilidad para sa pangmatagalang kapakinabangan. #
|