Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos

15 Jan 2011 - ARMY, CIVILIANS CONDEMN NPA'S USE OF LANDMINE...more

11 Jan 2011 - KR-N's claim of expansion in Negros an empty threat...more

11 Jan 2011 - Reaction to Photographs and Claims of CPP-NPA in Central Panay...more

08 Jan 2011 - NPA CAMP FOUND IN NEGROS...more

05 Jan 2011 - ARMY: NPA continues to tell lies to cover up treacherous acts...more

30 Dec 2010 - SURVIVORS CRY FOR JUSTICE FOR THE KILLINGS IN NORTHERN SAMAR...more

30 Dec 2010 - CORRUPTION DRIVES NPA FIGHTERS TO DENOUNCE ARMED STRUGGLE...more

27 Dec 2010 - NPAs Parade to Sow Terror and Extort Big...more

24 Dec 2010 - Army Soldiers Render Christmas Songs to NPA Rebels...more


More Press Releases
click here...

 

 

 

Official Philippine Army Press Release

 

Date Released:  08 June  2010



Kasundaluhan ng 63IB, Kaisa sa isinagawang Brigada Eskwela


Catubig, Hilagang Samar - Matagumpay na isinagawa ng mga kasundaluhan ng 63IB, mga magulang at ng mga guro ang Brigada Eskwela sa ibat-ibang Paaralan sa Bayan ng Catubig, Hilagang Samar

Sa hangaring maging mas malinis at matiwasay ang mga gusali at kapaligiran ng mga paaralan bilang paghahanda sa darating na pasukan ay nagsagawa ng isang Brigada Eskwela ang mga kawani ng Deped, mga magulang at mga kasundaluhan ng 63IB sa ibat-ibang paaralan sa Bayan ng Catubig. Noong ika 8 ng Hunyo, taong kasalukuyan ay nagsama-sama ang mga Guro, mga Brgy. Officials, mga Magulang at mga miyembro ng 63IB sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela sa Opong Elementary School na kung saan ito ay pinangunahan ni. Hon Jesus Tamayo, Punong barangay ng Brgy. Opong Catubig, Hilagang Samar at ng Teacher-in-charge ng nasabing eskwelahan na si Mrs Arcele Lluz kasama ang mga kasundaluhan ng 63IB sa pangunguna ni Msg. Candido Getalado. At Noong ika 11 ng Hunyo, ay sa Catubig Central Elementary School naman isinagawa ang nasabing Brigada na pinangunahan ni Mrs. Linda Giray, Ang Tagapangasiwa ng nasabing eskwelahan kasama ang mga kasundaluhan ng 63IB sa pamumuno ni 1lt Josephus Emar m Rempillo, ang Civil-Military Operation Officer ng nabanggit na batayon na nakabase sa Brgy. Opong Catubig, Northern Samar. Ang Brigada Eskwela ay isang programa ng Department of Education (DepEd) sa pakipagtulungan ng mga kasundaluhan at mga magulang sa pagsasagawa ng isang cleanliness drive sa mga pampublikong eskwelahan upang maihanda ang mga eskwelahan sa pagbubukas ng klase ngayong hunyo.

Ang naturang paglilinis ay isinagawa sa lahat ng paaralan sa Bayan ng Catubig na kung saan nagtulong-tulong ang mga magulang, mga guro at mga kasundaluhan sa paglinis, gamit ang mga bolo, grass cutter, mga walis sa paglilinis ng mga paaralan upang maging maayos at malinis tingnan ang naturang paaralan sa darating na pasukan.

Pinagtibay lamang ng mga ganitong uri ng larangan ang pagkakaisa at ang ugaling pagtutulungan ng mga Pilipino, maging sa panahon ng kasiyahan at kahirapan. Patunay lamang ito na kung isasaisip ng mga mamamayan ang diwa ng pagkakaisa, ito’y magiging daan sa agarang pag-unlad hindi lamang sa sarili kundi ng buong sambayanan at maaring dahil sa diwa ng pagkakaisa, walang anumang lakas ang maaring dumaig sa diwa ng pagkakaisa maging ang banta ng terorismo na dala ng mapagsamantalang mga komunista na walang ibang hangarin kundi ang sirain ang tunay na diwa ng demokrasya.

Laking pasasalamat naman ng mga Punong Gurong dalawang paaralan ng nasabing Bayan sa mga kasundaluhan dahil sa pakikiisa at sa pangunguna sa naturang gawain na naging daan upang mas maging malinis at kaaya- aya ang kanilang paaralan.

Ayon naman kay Ltc Joel M Paloma, commanding officer ng 63IB pinangako niya na sila ay nakahandang makipagtulungan sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan sa anumang gawain para sa kapakanan ng mga mamamayan at patuloy na magseserbisyo sa bayan sa panahon ng digmaan at kapayapaan.


 
 

 

Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos

Copyright 2007. Philippine Army
Published by: Army Management Information Center