Kabataan ng Childrens Assistance Center, Nakatanggap ng mga Regalo.
Las
Navas , Northern Samar - Isang Gift giving activity ang isinagawa ng mga
kasundaluhan ng 63rd Infantry Battalion sa mga kabataan ng Childrens
Assistance Center ng BINHI Foundation Incorporated sa Bayan ng Las Navas,
Hilagang Samar bandang alas 2:00 ng hapon, ika 12 ng Hunyo taong
kasalukuyan.
Ang nasabing gift giving activity ay isa sa mga programa ng 63IB sa mga
kabataan na may edad isa hanggang sampung taong gulang na ang layunin ay
makapaghatid ng kasiyahan sa mga kabataan lalong lalo na sa mga kapus
palad nating mga kababayan. ito rin ay pangalawang pagkakataon na sa
loob ng taong ito na nagkaroon ng gift giving activity ang pamunuan ng
63IB sa mga kabataan ng pangalawang distrito ng Hilagang Samar na nauna
ng isinagawa noong ika 22 ng Abril, taong kasalukuyan sa mga kabataan ng
Barangay Opong at Lenoya-han pawang sa Catubig, Hilagang Samar.
Laking pasasalamat ng mga magulang ng mga kabataan ng Children's
Assistance Center sa Las Navas sa mga kasundaluhan lalong lalo na sa
63rd Infantry Battalion sa pamumuno ni ltc Joel M Paloma sa pamimigay ng
mga regalo na nakapaghatid ng kasiyahan sa mga kabataan. Ani nila,
malaking bagay sa kanila ang mga regalong natanggap lalong lalo na sa
panahon ngayon na sobrang mahal ng mga bilihin kung kayat hindi sila
nakakapagbigay ng mga regalo sa kanilang mga anak. Dagdag pa nila,
hinding hindi nila makakalimutan ang regalo na hatid ng Christmas Child
Foundation at ng mga kasundaluhan na minsan ay nakapagbigay aliw sa
kanilang mga anak at naging inspirasyon para sa kanilang mga munting
pangarap.
Ayon kay Ltc Joel M Paloma, ang Commanding Officer ng 63IB isang
karangalan ng Hukbong Katihan lalong lalo na ang pamunuan ng 63IB na
makapagbigay ng saya at ngiti sa mga labi ng mga kabataan. Ito rin ay
isang paraan ng pasasalamat ng 63rd Infantry (Innovator) Battalion sa
tiwala at sa suporta na ibinigay ng mga mamamayan.
|