Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos

15 Jan 2011 - ARMY, CIVILIANS CONDEMN NPA'S USE OF LANDMINE...more

11 Jan 2011 - KR-N's claim of expansion in Negros an empty threat...more

11 Jan 2011 - Reaction to Photographs and Claims of CPP-NPA in Central Panay...more

08 Jan 2011 - NPA CAMP FOUND IN NEGROS...more

05 Jan 2011 - ARMY: NPA continues to tell lies to cover up treacherous acts...more

30 Dec 2010 - SURVIVORS CRY FOR JUSTICE FOR THE KILLINGS IN NORTHERN SAMAR...more

30 Dec 2010 - CORRUPTION DRIVES NPA FIGHTERS TO DENOUNCE ARMED STRUGGLE...more

27 Dec 2010 - NPAs Parade to Sow Terror and Extort Big...more

24 Dec 2010 - Army Soldiers Render Christmas Songs to NPA Rebels...more


More Press Releases
click here...

 

 

 

Official Philippine Army Press Release

 

Date Released:  02 June  2010



52 Estudyante, Nagtapos ng ALPS Cum Livelihood sa Brgy. Senonogan, Pambujan, Hilagang Samar.


Pambujan, Hilagang Samar - ginanap ang pagtatapos ng limanput dalawa (52) na mga estudyante ng ALPS Basic Literacy sa barangay Senonogan, Pambujan, Hilagang Samar na may tema: "Ugat ng Kahirapan, Labanan gamit ang Kaalaman at Kabuhayan mula sa Pagkakaisa ng Mamamayan"

Noong ika-31 ng Mayo taong kasalukuyan, ginanap ang pagtatapos ng 52 na estudyante ng ALPS Basic Literacy sa Barangay Senonogan, Pambujan ng probinsiyang ito na kung saan ang naging pangunahing pandangal ay si Mr. Gil Satur, Senior Trade and Industry Inspector ng DTI, Northern Samar. Nabanggit nya sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng mga livelihood program ng ating gobyerno, particular na ang ALPS ng 63IB. Ani pa nya, ang programang pangkabuhayan na ito ay malaking bagay upang makatulong sa mga mamamayan lalo na sa mga malalayong lugar upang magkaroon ng dagdag na pagkakaperahan para pantustos sa kanilang araw-araw na gastusin...

Ayon kay Ltc Joel M Paloma , Commanding Officer ng 63rd Infantry Battalion ng Philippine Amy na nakabase sa Barangay Opong, Catubig, Hilagang Samar, ang mga Soldier-Teacher ng 63rd IB ay hindi magsasawa na magturo at tumulong sa mga mamamayan sa mga bayan na kanilang nasasakupan upang makatulong mapaunlad at makadagdag ng pangkabuhayan sa mga mamamayan ng pangalawang distrito ng Hilagang Samar.

Sa kabilang dako, laking pasasalamat ng pamunuan ng 63rd Infantry Battalion sa ibat -ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Kagawaran ng Edukasyon at ng Lokal na Gobyerno ng Pambujan sa pagsupurta sa programa ng batalyon lalong lalo na sa Army Literacy Patrol System (ALPS) cum livelihood na naging matagumpay at makabuluhan ang pagsagawa ng programang ito.

 
 

 

Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos

Copyright 2007. Philippine Army
Published by: Army Management Information Center