Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos

15 Jan 2011 - ARMY, CIVILIANS CONDEMN NPA'S USE OF LANDMINE...more

11 Jan 2011 - KR-N's claim of expansion in Negros an empty threat...more

11 Jan 2011 - Reaction to Photographs and Claims of CPP-NPA in Central Panay...more

08 Jan 2011 - NPA CAMP FOUND IN NEGROS...more

05 Jan 2011 - ARMY: NPA continues to tell lies to cover up treacherous acts...more

30 Dec 2010 - SURVIVORS CRY FOR JUSTICE FOR THE KILLINGS IN NORTHERN SAMAR...more

30 Dec 2010 - CORRUPTION DRIVES NPA FIGHTERS TO DENOUNCE ARMED STRUGGLE...more

27 Dec 2010 - NPAs Parade to Sow Terror and Extort Big...more

24 Dec 2010 - Army Soldiers Render Christmas Songs to NPA Rebels...more


More Press Releases
click here...

 

 

 

Official Philippine Army Press Release

 

Date Released:  12 June  2010



ALPS Cum Livelihood ng BINHI Foundation Nagtapos.
 


Las Navas, Hilagang Samar  - ginanap ang pagtatapos ng limanput pito (57) na mga estudyante ng ALPS cum livelihood ng BINHI Foundation sa bayan ng Las Navas, Hilagang Samar noong ika 12 ng Hunyo, taong kasalukuyan.

Ginanap ang pagtatapos ng 57 na estudyante ng ALPS cum livelihood sa Bayan ng Las Navas ng probinsiyang ito na kung saan pawang mga magulang ng mga beneficiaries ng BINHI Children’s Assistance Center ng World of Hope Foundation na isang non-government organization na naglalayong makatulong sa mga kapus palad nating mga kababayan. Ang ang naging panauhing pandangal ay si Mr. Jose Turla, Principal ng Las Navas Elementary School sa bayan ng las Navas, Hilagang Samar.. Nabanggit nya sa kanyang mensahe ang kagandahan ng programa ng ALPS lalong lalo na sa Bayan ng Las Navas, binigyan diin niya ang sa kanyang mensahe ang magagawa ng kasipagan at pagiging matiyaga ng bawat isa upang magkaroon ng magandang kabuhayan. Ani pa niya, na sana hindi lang magtatapos ang programang ito sa araw ng kanilang pagtatapos bagkus, ipagpatuloy ito at lalong pag-ibayohin ang paggawa ng mga handi-craft products upang makaragdag ng income sa kani-kanilang mga pamilya.

Dumalo rin sa nasabing pagtatapos ng ALPS cum Livelihood Program sina Hon. Nicolasa Oroncillo, Sangguniang Bayan Member ng Las Navas, Brother Roberto Cabe ng Las Navas Pastoral Council, ang mga kasundaluhan ng 63rd IB sa pangunguna ni Maj. Raymundo C Picut, ang batalyon Executive Officer ng 63IB at mga volunteers ng World of Hope Foundation.

Laking pasasalamat ni Mrs. Nilda Ornada, ang presidente ng mga nagtapos ng ALPS cum livelihood sa Bayan ng Las Navas sa tulong at suporta ng mga kasundaluhan upang lalo nilang malinang ang kanilang kaalaman sa paggawa ng mga handi-craft na mga produkto na malaking tulong para sa kanila upang makadagdag sa kanilang pang araw-araw na ikabubuhay.

Ayon kay Ltc Joel M Paloma, Commanding Officer ng 63rd Infantry Battalion ng Philippine Amy na nakabase sa Barangay Opong, Catubig, Hilagang Samar, na ipagpapatuloy pa rin ng kanyang mga kasundaluhan ang programang Army Literacy Patrol System lalong lalo na sa lugar na kanyang nasasakupan upang makatulong mapaunlad at makadagdag ng pangkabuhayan sa mga mamamayan dito sa pangalawang distrito ng Hilagang Samar.

Nagpapasalamat din ang pamunuan ng 63rd Infantry Battalion sa ibat -ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Kagawaran ng Edukasyon at ng Lokal na Gobyerno ng Las Navas sa pagsupurta sa programa ng batalyon lalong lalo na sa Army Literacy Patrol System (ALPS) cum livelihood na naging matagumpay at makabuluhan ang pagsagawa ng programang ito.
 
 

 

Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos

Copyright 2007. Philippine Army
Published by: Army Management Information Center