Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos

15 Jan 2011 - ARMY, CIVILIANS CONDEMN NPA'S USE OF LANDMINE...more

11 Jan 2011 - KR-N's claim of expansion in Negros an empty threat...more

11 Jan 2011 - Reaction to Photographs and Claims of CPP-NPA in Central Panay...more

08 Jan 2011 - NPA CAMP FOUND IN NEGROS...more

05 Jan 2011 - ARMY: NPA continues to tell lies to cover up treacherous acts...more

30 Dec 2010 - SURVIVORS CRY FOR JUSTICE FOR THE KILLINGS IN NORTHERN SAMAR...more

30 Dec 2010 - CORRUPTION DRIVES NPA FIGHTERS TO DENOUNCE ARMED STRUGGLE...more

27 Dec 2010 - NPAs Parade to Sow Terror and Extort Big...more

24 Dec 2010 - Army Soldiers Render Christmas Songs to NPA Rebels...more


More Press Releases
click here...

 

 

 

Official Philippine Army Press Release

 

Date Released:  28 May 2010


"KAWAL ARMOR NAKIISA SA BRIGADA ESKUWELA"


Kampo O'Donnell, Capas, Tarlac - Naging matagumpay ang dalawang (2) araw na pakikiisa ng mga kasundaluhan ng Light Armor Division (LAD) sa ginanap na "Brigada Eskuwela" sa pangunguna ni MAJ JUDIEL SOCAL, Deputy for Civil Military Operations ng LAD sa dalawang paaralang pampubliko, ito ay ang Cristo Rey High School at Sta Lucia High School na ginanap noong ika 26-27 ng Mayo 2010.

Muling binuhay ng Light Armor Division at nang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang diwa ng bayanihan ng mga Pilipino sa paglulunsad ng Brigada Eskwela na layong magtulong-tulong sa pagkukumpuni at pagpapaganda ng mga paaralan para sa darating na pasukan sa Hunyo 15.

Ang nasabing programa ay taunang aktibidad na ng DepEd at ng Hukbong Katihan ng Pilipinas kaisa ang mga magulang ng mga estudyante ang pagtutulungan sa ilalim ng Brigada Eskwela para sa pagkukumpuni ng mga sirang kagamitan at pasilidad ng paaralan. Ang mga nasabing paaralan ay malapit lamang sa kampo at halos karamihan sa mga ang-aaral ay mga anak ng sundalo. Ginagawa nila ito upang maging ambag lalong lalo na ang mga sundalong magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak dahil sa libre naman ang pag-aaral.

Pinangunahan din ni Sarhento Richard Versoza ang mga tauhan ng Engineer Combat Company ng LAD na siyang nagkumpuni ng mga sirang mga upuan, pisara at ibang kagamitan sa paaralan. Bukod sa mga kasundaluhan, kaisa rin sa paglulunsad ang mga magulang, mga mag-aaral at ilang mga non-government organization (NGOs) para sa ikakatagumpay ng nasabing programa.

Pinasalamatan ng mga mga guro, magulang at mga mag aaral ang pamunuan ng Light Armor Division sa pamumuno ni BGEN CARLOS E LUCES AFP ang bagong hirang na pinuno ng LAD dahil sa malaking tulong na naigawad nila sa nabiyayaang paaralan dahil simula pa noong inulunsad ang “Brigada Eskwela” taong 2003, nasa P9 bilyon halaga na sa maintenance ang natipid ng DepEd dahil sa nasabing programa. Tinatayang aabot 21 milyong mga mag-aaral sa elementarya at high school ang mga magsisipasok sa mga paaralan ngayong School Year 2010-2011.
 

 

Home | Press Release | About the Army | Army Sites | Leadership | Photos

Copyright 2007. Philippine Army
Published by: Army Management Information Center