Laang Kawal Ehemplo ng Bolunterismo at Paglilingkod sa Bayan

Akda ni Madefer B Leonen, Civ HR

 

Laang kawal, sino nga ba sila? Ano ang kanilang layunin?

Marami sa kapwa nating mga Pilipino ang napapa-isip at napapatanong kung bakit ang isang indibidwal ay naglalaan ng kanyang oras sa isang layunin na nagbibigay lamang ng kagardagang alalahanin at responsibilidad?

Ang ating mga laang kawal o reservists ay mga sibilyan na boluntaryong naglalaan ng kanilang oras at kakayanan para sa bayan ng walang ano mang hinihingi at hinihintay na kapalit. Sila ay nagbibigay serbisyo sa komunidad, sa sambayanang Pilipino katuwang ang mga sundalo ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.

Isa sa mga tumugon sa hamon ng pagiging laang kawal ay si Lt. Col. Rosalinda “Rose” Ponce – Callang PA (Reserve) na naitalaga bilang Battalion Commander ng 201st Ready Reserve Infantry Battalion, 201st Community Defense Center, 2nd Regional Community Defense Group.

Siya rin ang kasalukuyang Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan ng Lalawigan ng Cagayan Valley at isang part-time na propesor sa Graduate School ng Florencio L. Vargas College. Bukod dito, siya rin ay nagsisilbing Local Legislative Officer, Legal Assistant, at Project Development Assistant sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan Valley.

Sa Lt. Col. Callang ay nakapagtapos ng kursong Bachelor of Arts major in Political Science (Magna Cum Laude) at Bachelor of Laws sa Tuguegarao Colleges Cagayan.

Bata pa lang ay pangarap na ni Lt. Col. Callang ang maging sundalo at maglingkod sa bayan. Sa katunayan ay sinubukan niyang sumali sa ROTC noong kanyang kabataan subalit may mga bagay-bagay na hindi maiiwasang pangyayari kaya siya ay hindi nakapagpatuloy at pinagtuunan na lamang ang kanyang pag-aaral.

Taong 2014 nang muling napukaw ang pangrap ni Lt. Col. Callang na maging isang sundalo sa kanyang pagsali sa isang gobyernong organisasyon. Kaya naman dalawang taon ang nakalipas, naisakatuparan niya ang kanyang panganrap nang siya ay ma-komisyon siya bilang Commissioned Officer sa Army Reserve Component. 

Hindi niya akalain na ang dating pangarap na maging sundalo at magsilbi sa bayan ay kanyang matutupad. Hindi man bilang isang regular na sundalo kung hindi isang Reserve Officer na handang magserbisyo sa bayan nang walang hinihinging kapalit.

Bilang isang laang kawal, si Lt. Col. Callang ay naging kaisa sa iba’t ibang programa para sa komuninad na kanyang kinabibilangan. Siya rin ay nagpatupad rin ng mga hakbangin upang mapalakas at mapaunlad ang mga organisasyong kanyang kinabibilangan. Sampu ng kanyang mga kasamahan sa 201st Ready Reserve Infantry Battalion, sila ay nagbigay tulong sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng kalamidad gaya ng malawakang pagbaha at bagyo sa lalawigan ng Cagayan.

Ang kanyang unit ay kasama din sa Brigada Eskewela, Medical at Dental Missions, Constant Blood Letting Activities, Massive Tree planting at Clean-up drives sa nasabing lalawigan.

Noon pa man, ang dedikasyon ni Lt. Col. Callang sa pagtataguyod ng sa mga layunin ng Reserve Component ay tunay na kahanga-hanga at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa komunidad. Aktibo niyang pinamumunuan ang 201RRIBn upang maisulong ang diwa ng bolunterismo sa kanyang sinasakupan.

Ang kaniyang pagsusumikap ay nagbigay daan upang ang 201RRIBn ay parangalan ng “Panagyaman Award” sa ika-71 na pagdiriwang ng pagkakatatag ng Department of Social Welfare Development.

Higit pa rito, kinilala ng 5th Infantry (Star) Division, Philippine Army ang pagtulong ni Lt. Col. Callang at ng kanyang kasamang laang kawal sa mga nasalanta ng kalamidad sa Cagayan noong taong 2020. Dagdag pa rito, siya rin ay kinilala ng Sangguniang Panlalawigan ng Cagayan bilang huwarang empleyado sa magadalawang magkasunod na dalawang taon.

Isang pangarap na natupad ang maging isang laang kawal na boluntaryong nagseserbisyo para sa sambayanang Pilipino. Suot ang unipormeng kaakibat ay responsibilad at dala-dala ang pusong may pagmamalasakit at tapang na paglingkuran ang mamamayan para sa katahimikan at kaunlaran ng bayan.

Image
Image
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
  • All content is in the public domain
  • unless otherwise stated
ABOUT THE ATR 2040
  • Learn more about the Army
  • Transformation Roadmap, how it
  • works, and the people behind it.
CONTACT US