Army Chief Nurse Colonel Maria Victoria Juan

Akda ni Pvt Adriel M Paglinawan (Inf) PA

 

Pagtiyak sa “kalusugan, kaligtasan, at kapakanan” ng mga sundalo sa frontlines.

Ito ang naging panuntunang propesyunal ni Army Chief Nurse Colonel Maria Victoria Juan sa pag-ganap ng kanyang tungkulin bilang punong nars ng Hukbong Katihan ng Pilipinas. Si Colonel Juan, kasama ang dalawa pang sundalo, ay tumanggap ng parangal bilang mga Natatanging Pilipino ng Metrobank Foundation noong nakaraang taon.

Ayon kay Colonel Juan, ang pagtiyak sa “kalusugan, kaligtasan, at kapakanan” ng mga sundalo sa frontlines sa pamamagitan ng mga makabagong kagamitang medikal at inobatibong pamamaraan ay ang kanyang pangunahing misyon.

Matatandaan na mahalaga ang ginampanang papel ni Colonel Juan sa paglunsad ng kauna-unahang “air ambulance” ng Hukbong Katihan ng Pilipinas noong Marso 2022. Ang nasabing air ambulance, na isang modified Bölkow chopper, ay pinangungunahan ng isang pangkat medikal na binubuo ng doktor, nars, piloto, at air crew na sabay-sabay nagsanay upang mas linangin ang kanilang kakayanan.

Ayon kay Colonel Juan, ang aeromedical evacuation gamit ang air ambulance ay napakahalaga. Humigit-kumulang 90 porsiyento ng mga sundalong nagtamo ng malubhang sugat sa digmaan ay nasasawi sapagkat sila ay hindi agarang naisusugod sa pagamutan. Idinagdag pa ni Colonel Juan na ang aeromedical evacuation ay ang pinakamabilis na paraan upang maisugod ang isang sundalong nasugatan sa labanan mula sa lugar ng engkwentro patungo sa pinakamalapit na pagamutan.

Matatandaan na malaki rin ang ginampanang papel ni Colonel Juan sa lubos pang pagpapahusay ng sistema ng pangangalaga sa mga sundalong nagtamo ng malalang sugat sa digmaan.

“Iniaalay ko ang parangal na ito sa bawat sundalo, nars, at mga doctor na inialay ang kanilang buhay para sa ating bayan,” saad ni Colonel Juan sa kanyang talumpati sa kanyang pagtanggap ng parangal.

Ang Metrobank Foundation Outstanding Filipinos Award ay iginagawad taon-taon sa mga huwarang lingkod-bayan sa larangan ng akademya, kapulisan, at kasundaluhan.

Army Chief Nurse Colonel Maria Victoria Juan, Pagtiyak sa “kalusugan, kaligtasan, at kapakanan” ng mga sundalo sa frontlines. Ito ang naging panuntunang propesyunal ni Army Chief Nurse Colonel Maria Victoria Juan sa pag-ganap ng kanyang tungkulin bilang punong nars ng Hukbong Katihan ng Pilipinas. Si Colonel Juan, kasama ang dalawa pang sundalo, ay tumanggap ng parangal bilang mga Natatanging Pilipino ngMetrobank Foundation para sa taong kasalukuyan.

Ayon kay Colonel Juan, ang pagtiyak sa “kalusugan, kaligtasan, at kapakanan” ng mga sundalo sa frontlines sa pamamagitan ng mga makabagong kagamitang medikal at inobatibong pamamaraan ay kanyang pangunahing misyon.

Matatandaan na mahalaga ang ginampanang papel ni Colonel Juan sa paglunsad ng kauna-unahang “air ambulance” ng Hukbong Katihan ng Pilipinas noong Marso 2022. Ang nasabing air ambulance, na isang modified Bölkow chopper, ay pinangungunahan ng isang pangkat medikal na binubuo ng doktor, nars, piloto at air crew na sabay-sabay nagsanay upang mas linangin ang kanilang kakayanan.

Image
Image
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
  • All content is in the public domain
  • unless otherwise stated
ABOUT THE ATR 2040
  • Learn more about the Army
  • Transformation Roadmap, how it
  • works, and the people behind it.
CONTACT US