3DTS, Katuwang sa Pagsasanay Tungo sa Kabihasnan at Maaasahang Kasundaluhan

Akda ng 3rd Division Training School, 3rd Infantry Division

 

Sa paglipas ng maraming taon, pinagtibay ng 3rd Division Training School ng 3rd Infantry “Spearhead” Division, Philippine Army (3DTS, 3ID, PA) ang pagpapatupad ng Army Governance Pathway (AGP) sa hangarin nitong mapabuti ang pamamahala at kahusayan sa pagtupad ng layunin ng paaralan. 

Ang yunit ay pinagkalooban ng AGP Initiated Status noong Abril 2016, sumunod ang AGP Compliant Status noong Marso 2017, at ang AGP Proficient Status na may Gold Trailblazer Award noong Pebrero 2021. 

Habang ipinapatupad ng yunit ang mga programa sa pagbabago nito, patuloy nitong pinagsisikapang tahakin ang landas para sa AGP Institutionalized Status upang maisakatuparan ang tunay na pagbabagong mag-aambag sa bisyon ng Hukbong Katihan na ARMY 2040: WORLD-CLASS. MULTI-MISSION READY. CROSS-DOMAIN CAPABLE.

Sa mga nagdaang taon ng pagpapatupad ng mga iba’t ibang pagsasanay na sakop ng paaralan, hindi nabigyan pansin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan kasama ang iba’t ibang organisasyon, ibang Uniformed Agencies, at mga ahensya ng gobyerno na siyang magbabahagi ng kanilang kahusayan at angkop na kaalaman sa mga pagsasanay na may kaugnayan sa mga naturang ahensya. 

Bilang bahagi ng pagbabago at pagpapatupad ng Army Transformation Roadmap (ATR), binigyang pansin at halaga ng paaralan ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa mga stakeholders o ang tinatawag na interagency collaborations upang makabuo ng mas mahusay na pagsasanay at makapag bahagi ng kaalaman sa mga sundalong kasalukuyang sumasailalim at mga sasailalim ng pagsasanay. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng mga Subject Matter Experts (SMEs). Ilan sa mga ahensya na may kaugnayan sa mga isinasagawang pagsasanay ay ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO), at iba pa.

Ilan sa mga produkto ng pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders o ang interagency collaborations na isinagawa ng paaralan ay ang mga sumusunod: PNP Basic Internal Security Operations Course (PNP BISOC), PNP Internal Security Operations (PISO) Training, Community Support Program Red Area and White Area Operations (CSP RA at WAO), Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) Operations, at ang Disaster Rescue and Relief Operations (DRRO). 

Ang mga hakbang na ito ay alinsunod sa pagpapatupad ng Transformation Roadmap ng paaralan upang madagdagan ang bilang ng mga tinatawag na Mission Essential Task Training na ginagawa nito. 

Mahalagang bahagi rin sa naturang pagpapatupad ng Transformation Roadmap ang pagtiyak ng paaralan na ang mga tauhan nito ay may angkop na pagsasanay na may kaugnayan sa posisyon nito o ang pagpapatupad ng tinatawag na “putting the right man at the right job.” 

Kasama rin dito ang malaking  pagbabago sa maayos na makabagong mga kagamitan at mga pasilidad ng paaralan na nagbubunga nang mas epektibong mga pagsasanay at mas dekalidad at mahuhusay na mga sundalong mapagtatapos nito. 

Lahat ng ito ay nag-aambag sa pagkamit ng misyon ng paaralan upang magkaroon ng mga bihasa at maaasahan na indibidwal at mga yunit ng 3ID, PA.

Image
Image
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
  • All content is in the public domain
  • unless otherwise stated
ABOUT THE ATR 2040
  • Learn more about the Army
  • Transformation Roadmap, how it
  • works, and the people behind it.
CONTACT US