GMA Kapuso Foundation sa pamimigay ng mga PPE’s

Ang mga miyembro ng Joint Task Force-NCR na pinangungunahan ng 11th Civil-Military Operations (Kaugnayan) Battalion, Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army ay dumalo sa Peace and Order Council Meeting na ginanap sa Barangay 162, Caloocan City na nilahukan ng mga sundalo na pinamumunuhan nina 2Lt Neslyn Reymundo at 2Lt Ian Odchigue at mga opisyales ng barangay na pinangunahan ni Kapitan Ronald Nagusara. Napag-usapan sa pagpupulong ang tungkol sa kaayusan at kapayapaan ng barangay. Matagumpay na natapos ang nasabing pagpupulong at lubos ang pagpapasalamat ng nasabing barangay sa suporta na bigay ng ating Kasundaluhan. Tunay ngang walang problema ang hindi masusulusyunan kung tayo ay sama-samang nagtutulungan tungo sa kapayapaan at kaunlaran. #OneArmy #KaugnayanBnonthemove